Erap’s Letter to his Son JV Ejercito

This was Erap’s letter to his son JV Ejercito:

Dear JV:

Kamusta na sa Amerika, anak? Mabagal ko’ng isinulat ang liham na ito
dahil alam kong mabagal ka ring magbasa. Anak, gusto ko lamang
iparating na hindi na kami sa Malacanang nakatira ngayon. Nabasa kasi
ng mommy mo (si Loi), na kadalasan na ang mga aksidente ay nangyayari
sa bahay kaya’t napagpasiyahan ko na lumipat na ng tirahan. Pero
huwag kang mag-alala. Dinala ko naman ang karatula ng ating lumang
address kaya maari mo pa rin akong sulatan sa dati nating address.
Mahirap na kasi ang pabago-bago. Alam mo naman na napakarami ko ng
kinakabisado.

Maganda naman ang tirahan namin ngayon. Mayroon pa ngang built-in na
washing machine. subali’t ng labhan ko yung damit ko, hindi na bumalik.
kaya’t huwag kang bibili ng Saniware washing machine, anak. malakas pa
naman sana ang ikot … Maganda rin ang lagay ng panahon dito. dalawang
beses lamang umulan last week. Yung una, mula lunes hanggang miyerkules,
yung pangalawa, mula huwebes hanggang linggo.

Tungkol nga pala sa coat na gusto mong ipadala namin… masyado raw
mabigat sabi ni Orly kung isasama yung mga butones. kaya pasensiya ka
na kung tinanggal namin bago namin ipadala. Nilagay naman namin sa
bulsa para hindi mawala.

Ay naku! Alam mo bang basang-basa kami nung martes(nung unang umulan
last week)? Naiwan kasi nitong si Senator Tito yung susi ng BMW niya
sa loob.E nakabukas pa naman ang sunroof ! Basang-basa tuloy ang
interior! mabuti na lamang at gumanap na carnapper itong si Jinggoy
nung araw kaya nabuksan niya ang kotse mula sa labas. Ang kaso mo, ng
pumasok kami ni Jinggoy,naiwan si senator tito sa labas at hindi na
naman niya mabuksan ang kotse! WALA na NAMAN sa kanya ang susi. &^&@%*
mga artistang politiko talaga yan! Hindi gumagamit ng IQ… muntik na
kaming malunod nuon ah!

Naalala ko tuloy yung pinsan kong nahulog sa tangke ng whiskey! Marami
sana ang gustong sumagip pero pinilit pa ring niyang uminom at libre!
Ayun,nalunod at pina-cremate —- anim na araw rin ang binilang bago
natapos ang apoy… kaya pag namatay ako, hindi ako paki-cremate…
masakit.

Siyanga pala, nanganak na si jackie kahapon.. Hindi ko pa alam kung
lalaki o babae kaya hindi ko masabi kong ikaw ay isa ng Uncle o Auntie.
Naku! napakalikot na bata… eager beaver ika nga! Anak, hanggang dito
na lamang muna ang aking liham… Marami pang pagbabago ang kailangan
gawin sa Pilipinas. Ayun sa survey, 95% pa lang ng mga Filipino ang
naging madasalin mula ng ako’y naging presidente! Kailangan 120%!!!
Siyempre kailangan kasama ang mga OCW sa abroad, no?

Love,
PAPA ERAP

P.S. Papadalahan sana kita ng pera pero nakasarado na ang sobre…

Leave a comment